Sto. Niño, San Felipe, Zambales: Tahimik. Payapa. Paraisong hindi mo aakalain nasa Luzon lang!
- Roberto Dela Rosa
- Jul 9
- 3 min read
Kung sawa ka na sa mga overrated at overcrowded na beach spots, may isang tagong paraiso sa Zambales na dapat mong puntahan—Sto. Niño sa San Felipe. Di ito kasing sikat ng Liwliwa o San Narciso, pero kung hanap mo ay serenity, nature, at simpleng buhay probinsya, swak na swak ito.

Dagdag Kaalamang:
Ang San Felipe ay isa sa mga lumang bayan ng Zambales na itinatag noong 1853.
Dating kilala bilang Bobulon, pinangalanan itong “San Felipe” bilang parangal sa isa sa apat na Ilocano na unang nanirahan dito.
Matindi ang pinagdaanan ng lugar noong sumabog ang Mt. Pinatubo noong 1991, pero ngayon, unti-unti itong binabalik-balikan dahil sa ganda ng kalikasan at katahimikan nito.
Sa Sto. Niño, makikita mo ang makalumang probinsya vibes—mga nipa huts, mga taniman, at mga beach na hindi pa commercialized.
Nasaan Ba Ito?
Ang Barangay Sto. Niño ay isa sa mga coastal barangay ng bayan ng San Felipe, sa lalawigan ng Zambales. Matatagpuan ito sa pagitan ng mga mas kilalang beach destinations gaya ng Liwliwa (sa San Felipe rin) at San Narciso. Ito’y mga 15–20 minutes mula sa poblacion, at isa sa mga pinakamalapit sa dagat.
Anong Trip Meron Dito?
✅ Beach bumming at sunset watching
✅ Surfing sa kalapit na Liwliwa
✅ Bonfire night at stargazing
✅ Hiking o nature walk sa mga bundok
✅ Cultural trip sa mga Aeta communities at sa Ina Poon Bato Shrine
✅ Local food tripping at market day experience
✅ Island hopping papuntang Capones Island at Camara Island (via Pundaquit)
Paano Pumunta Dito?
🚗 Best Routes
From CUBAO:
Sakay ng Victory Liner bus papuntang Iba o Sta. Cruz, Zambales
Sabihin kay manong konduktor na bababa ka sa San Felipe Public Market
Sakay ng tricycle papuntang Barangay Sto. Niño
Travel time: 4.5–5 hours
From MANILA (Pasay/Sampaloc):
Same Victory Liner route
Optional stopover: Olongapo for food trip
Baba rin sa San Felipe, then trike to Sto. Niño
From MARIKINA:
Sakay ng jeep o FX papuntang Cubao
Then follow same Victory Liner route
Or, mag-book ng van service via travel groups
✅ Commute Mo, Trip Ko – Mas Madali Pa sa Iniisip Mo!
Ayaw mo ng abalang commute?Pwede kang mag-avail ng group tour o van transfer via:
🛻 Lakbayan Travel and TransportationSa ngayon, sila ay naka-focus sa local tours gaya ng:
La Union
Baguio
Dingalan – Aurora
Ilocos Tricity Tour (Laoag–Vigan–Pagudpud)
Bolinao – Pangasinan
Sagada × Banaue
Sagada × Buscalan
Liwliwa / Anawangin / Mapanuepe – Zambales
Alibijaban – Quezon
Calaguas Islands
Caramoan – Camarines Sur
💬 For inquiries and reservations, contact:👉 Lakbayan Facebook Page
📌 Perfect ito para sa barkada or family na gusto ng hassle-free, all-in tour!
May Pagkain Ba Rito?
Oo naman! Maraming carinderia sa poblacion at may ilang sari-sari stores sa Sto. Niño.
Try mo ang mga seafood dishes, especially pag harvest season—fresh pusit, tilapia, at bangus.
May mga nagbebenta rin ng kakanin tulad ng sapin-sapin, bibingka, at cassava cake.
Pasalubong o Trip Extras?
🛍 Sa public market, pwede kang bumili ng:
Chicharon Zambales
Sukang Iloko style
Ube halaya at pastillas
Shell crafts at mga handmade souvenir galing sa Aeta community
Saan Pwedeng Mag-Stay?
Kung hanap mo ay tahimik, affordable, at malapit sa dagat:
🏡 Jaerben’s Villa sa Sto. Niño
Homey at relaxing
Puwedeng magluto, mag-bonfire, at tumambay buong araw
Perfect for family or barkada staycation
Message them via Facebook for inquiries and bookings
Final Say!
Ang Sto. Niño, San Felipe ay isang underrated coastal gem. Tahimik pero hindi boring, simpleng pamumuhay pero may mga nature spots na pwede mong tuklasin.Tamang-tama kung gusto mong mag-“disconnect to reconnect.”At kung gusto mong gawing hassle-free ang buong biyahe—Lakbayan Travel and Transportation ang sagot.Mura, maganda, at Pinoy na Pinoy ang vibes!
🧳 Tara na sa Sto. Niño, Zambales—ang susunod mong #BakaTripMo!



Comments